Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

EDUKASYON

Imahe
Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito. At ang pagkamit ng tagumpay ay kailangan  buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”.